Isang taos pusong pagbati sa pangunguna ng aming punong guro na si G. ANTONIO B. DORADO, kasama nya ang coordinator ng Go-Green Proram na si G. GODOFREDO C. CANATUAN lalot higit ang mga guro at kawani ng buong paaralan sa kasipagang ipinamalas sa mahabang panahon ay nais po naming ipaabot sa lahat naming mga magulang, mga mag aaral at lalot higit sa ating mga education stakeholders sa walang sawang pagsuporta at pagtulong sa kapaki pakinabang na proyektong ito.
“GULAYAN SA PAARALAN TUNGO SA ATING TAHANAN”.
Ang ating paaralan ay nakatanggap na rin ng maraming pagkilala sa larangan ng GO-GREEN PROGRAM na noon ito ay tinatawag na ECO-SAVER’s PROGRAM ng DepEd. Sa ilalim nito ay ang GULAYAN SA PAARALAN.
2014- BEST IMPLEMENTER ECO SAVER’s PROGRAM – Division
2015- BEST IMPLEMENTER ECO SAVER’s PROGRAM – Division
2016- BEST IMPLEMENTER GO-GREEN PROGRAM/HALL OF FAME – Division
2016- BEST IMPLEMENTER GO-GREEN PROGRAM – 7th PLACER – Region
2017- BEST IMPLEMENTER GO-GREEN PROGRAM – 4th PLACER – Region
2019- BEST IMPLEMENTER GO-GREEN PROGRAM – 2nd PLACER – Region
Ang proyektong ito ay ginagawa na po natin bago pa man sumapit ang pandemya na ating nararanasan hanggang sa ngayon. Di natin batid na ang proyektong ito ay magiging gabay natin para maitawid ang sitwasyong nararanasan natin dala ng COVID-19 sa buhay ng bawat isa. Proyektong maipagmamalaki nating lahat na sa kabila ng kahirapang dinaranas natin ay magiging susi pala ito na maibsan ang hirap na kinakaharap sa ngayon.
Ang pagtatanim ng mga samut saring halamang gulay tulad ng kamote, malunggay, kangkong, pechay, mustasa, kamatis, talong, okra, sili, alugbati, lemmon grass, sitaw, sigarilyas, kalamansi, at marami pang iba gamit ang mga recycled plastic bottles sa maliit na espasyo sa ating tahanan ay napakalaking tulong upang may maipanlaman sa kumakalam nating sikmura laban sa LOCKDOWN na ipinatutupad ng pamahalaan. Masustansya na, organiko pa at higit sa lahat makakatipid pa. Alam nating na di lahat at nabibiyayaan ng ayuda na nagmumula sa pamahalaan. Dito sa proyektong ito, siguradong panalo tayong lahat.
Kayat kilos mga kasama sama –sama tayong mag tanim… Kapit bisig nating abutin ang simpleng pangarap ng bawat isa….ang makakain ng ligtas at masustansya sa murang halaga.
Ugaliin nating sa tahanan ay magtanim,
Gamit ang reseklong itoy panapon na rin
Upang masustansyang gulay ang maani at makain
At ng ang pamilya’y makatipid sa maraming gastusin
Maraming salamat po. At naway ligtas ang bawat isa sa atin sa tulong at gabay ng DIYOS na sa atin ay lumikha.